eto ang natutunan ko.
sa totoo lang, gustung-gusto kitang ipaglaban noon. gusto kong lumaban kahit alam kong sa una pa lang e talo nako. wala na sakin ang puso mo e. pero naniniwala pa rin ako noon na sa takdang panahon, mapapasakin itong muli.
di ba ganun sa mga pelikula? lalayo ang lalaki. mag kakarelasyon sa iba, pero sa bandang huli ay babalik pa rin dun sa babaeng bida.
ganun ako dati. feeling ko nasa telebisyon din ako at kaya kong diktahan ang script ng buhay ko.
nung tumagal, nag sawa na rin siguro ang puso ko. o baka naman, ang utak ko na ang sumuko sa kakaisip at kakahintay kung kelan ka ba talaga muling babalik.
sabi ng tita ko, impostor daw ako.
impostor nga ba ako?
nag kukubli nga lang ba ako sa takot kaya di ko masabing siya pa rin ang hinihintay ko?
mukhang hindi na. sana hindi na.
kasi nung natuto akong manahimik, nung natuto akong kalimutang isipin sya, natutunan ko ring mahalin ang sarili ko.
kung dati'y okay lang sakin na masaktan basta't anjan sya, ngayon di na pwede yun.
kung dati'y parating nauuna yung kung ano ang gusto at kung ano ang mararamdaman nya, ngayon mas importante yung kung saan ako magiging masaya at kung ano ang gusto ko.
natutunan kong umibig muli nung mga panahong pinipilit kong matuto na wala sya sa buhay ko.
umibig akong muli.
at sa tingin ko, ito ang pinaka magandang regalong nakuha ko mula sa relasyon na yun.
minahal ko ang sarili ko.

