siguro nga'y kahit papano ay natuto na din akong makiayon sa agos ng buhay. isang pag ayon at pakikibaka na may kaakibat na pag unawa, pag tanggap.
marahil ay may naikintal na din saakin ang mga mapait na karanasang iyon.
ang puso ko? patuloy pa ring tumitibok at nakikipag laban sa mga bagay na pinaniniwalaan. naninindigan sa kabila ng pag tutol ng napakaraming bagay. siguro nga'y kelangan ko lang maging matatag.
mahal ko e.
sapat ng dahilan yun upang ituloy ang nasimulan.
saan man kami patungo, mabigo man ako, taas noo kong masasabi na ginawa ko ang lahat. na nakipag sapalaran ako. na minsa'y kinalimutan ko ang sarili ko para sakanya.
ganun ako mag mahal. sobra sobra.


http://secured.cebupacificair.com/itd/itd/DoAirSearch