
Fate has a funny way of making things work.
Sa bawat dasal na namumutawi sa aking mga labi
Bawat hinaing ng pusong nasadlak sa kabiguan
Sa bawat pag agos ng buhay
May nag iisang dahilan
Ikaw.
Nasan ako ngayon? Hindi ko alam. Pinili kong maging alipin ng hangin. Sunud-sunuran sa bugso ng amihan. Napapadpad sa kung saan man tangayin ng mapagbirong tadhana.
Cliché? Tell me bout it.
Ang alam ko, may narinig akong usal mula sa kaibuturan ng aking puso. Isang hiling. Isang pag susumaong magkaroon ng kapayapaan ang damdaming nabalot ng pait at pighati.
Bakit hindi pagmamahal? Kasi bawat pusong napiling samahan ay nabigo. Bakit hindi? Takot.
Subalit mahirap kalabanin ang isang pwersang nabuhay bago pa man ako o ang mga nauna pa saakin.
There’s a reason for everything. What’s the reason? I don’t know… yet.
Sa bawat luha
Pait
Sakit
May nag iisang dahilan.
Ikaw.
Uulitin ko, mapagbiro ang tadhana.
Bakit?
Anjan ka na naman. Bakit? Di ko din alam. Pero ngayon, MEDYO natuto nako.
Sana.

No comments:
Post a Comment