myspace backgrounds
Myspace Backgrounds

Tuesday, May 24, 2011

a nomadic life

"sain naman ako ma-stay?"

i cannot even begin to think how to put words for what i feel today. i try to ignore it, but it just creeps back to my reality. i have nothing.

ang hirap tumawa 'pag alam mong pagdating ng gabi at nag kumot na ang dilim sa kalupaan ay aagos na naman ang mga luha.

sana lang may silbi ang luhang to.

ang hirap-hirap naman kasi. ang hirap mag isip. pero bukas, sigurado pag labas ko, walang makakapagsabi na bitbit ko ang matinding problema. galing ko kasing artista. minsan nga sa sobrang galing ko, pati sarili ko napapaniwala ko na din sa mga kalokohang sinasabi ko.

sa akbilang banda, naisip ko na siguro malaki ang tiwala sakin ng Diyos kasi binibigyan nya ako ng mga gantong problema. siguro, tingin Nya kaya ko to. sana nga.

kasi minsan di ko na din alam kung san pa ako huhugot ng lakas. minsan di ko na din alam kung pano at saan kukuha ng dahilan para tumawa. pero di ako pwedeng bumigay na lang.

alam kong kelangan kong lumaban. para sakin, para sa pamilya ko.

Please help me GOD. i can t do this alone.

Thursday, March 17, 2011

MLKI

naisip ko lang...

nakakatuwang isipin na MINSAN minahal kita.

oo, sobrang minahal kita, walang duda dun. pero yun din ang point ko e, SOBRA. sabi nila, lahat daw ng sobra mali.

mali nga ata.

dahil nung mga panahong yun, mas minahal kita kesa sa sarili ko. mas pinili kong unahin ang mga bagay na sa tingin ko makapag papaligaya sayo. kahit na sa mga pagkakataong yun, AKALA ko lang pala na magiging masaya ka.

AKALA ko kasi kilala na kita e.

hinding hindi pala talaga kita makikilala ng lubusan kasi madami kang sikreto. kahit nga sa sarili mo pinipili mong magsinungaling. sakin pa kaya?

mali talaga ako dun. sumobra e.

dahil sobra ang pagmamahal ko sayo, nagkulang naman ako sa pagmamahal sa sarili ko. yung ang mas nakakalungkot. minsan kasi, TANGA ako pag dating sa pag ibig. TANGA at pinipiling maging tanga kasi AKALA ko noon, ganun yung dapat.

pero eto alam kong totoo.

pinili kong magpakatanga kasi alam kong yun LANG ang tanging paraan para magtagal tayo. kasi kung nakinig ako nun sa utak ko, di tayo nag tagal. kaso hindi e. masyado akong nagpakaromantiko. masyado akong nagpaka gaga.

natakot kasi ako noon na baka di ko na kayaning mag mahal ulit pag nawala ka pa. binuhos ko ang lahat sayo e.

pero ngayon, masaya ako. masaya ako dahil natutunan ko na kaya ko pala ulit mag mahal.

kaya ko na kasi BUO na ulit ako. buo na ulit ang pagkatao ko.

kaya ko na kasi natutunan kong muli kung pano mahalin ang sarili ko.

at OO, handa nakong umibig muli.

Monday, February 21, 2011

Wednesday, September 1, 2010

Tuesday, June 15, 2010

y

alam kong ikaw yun. kilala ko ang boses mo.

alam kong ikaw yun. kasi alam ko ang reaksyon ng puso ko kapag ikaw ang kausap.

oo, aminado ako dun. di pa rin yun nagbabago. pero ngayon, iba na. parehong reaksyon, ibang nararamdaman.

sabi ko nga, kahit anino mo kilala ko.

bakit naman kasi kelangan mo pang mag kunwari? kelangan mo ba malaman kung ano magiging reaksyon? were you hoping na makikilala kita and in the process unmask you right there and then?

tapos na ang tanga tanga mode ko para sayo. lumipas na yun.

masaya sana ako kasi kahit papano, naisipan mo mag reach out.

di naman kita sasaktan. wala akong ibang hangad kundi ang maging kaibigan kang muli.

pero pano ba kita mapag kakatiwalaa kung sa una pa lang, lokohan na naman.

lokohan na nga noon, pati ba naman ngayon?

tama na.

sana sa susunod na gusto mo akong makausap, wag ka ng mag kunwari pa.

tapos na naman ang lahat.

tinapos mo na.

tinalikuran ko na rin ang lahat ng nararamdaman ko para sayo.

tama na.

sana bagong simula na lang ng pag kakaibigan.

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

Monday, June 7, 2010

Bob Ong’s Philosophy on Love

1.”Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka…”

20. “walang taong manhid…hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..”

21. “kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramamdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit”

22. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

23. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

24. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

25. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”


---> been reading BOB ONG's quotes for so long now. been addicted to the text message version as well. have read some of his earlier works when i was in college.

this time, i just wanna have this on my blog. for reference purposes. LOL

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

Friday, June 4, 2010

paulo coelho

"There is always someone in the world waiting for someone else, whether in the middle of the desert or in the heart of some big city. And when these two people’s paths cross and their eyes meet, the whole of the past and the whole of the future lose all importance, and there only exists that moment and that incredible certainty that everything under the Sun was written by the very same Hand. The Hand that awakens Love and creates a sister soul for everyone who works, rests and seeks treasures under the Sun. Were it not for this, the dreams of the human race would make no sense." -Warrior of Light

this makes me feel so much better.

ang sarap isiping may isang tao na AKO ang hinahanap. hindi dahil kilala niya ako o kung ano pa man, kundi dahil ako ang hinahanap ng puso niya.

i've been in this rot for so long now. i don't mean to. i just feel things more deeply than other people. so when i love, i love with my whole being. and when i get hurt, it cuts through my soul.

i love as intense as i could.

ba't ba kasi ganto na naman ang nararamdaman ko?

kelan ba talagang mag react ako ng ganto dahil sa nabasa ko?

sabi niya kasi sa isa niyang post (di ko sya friend sa fb. nag kataon lang na yung brother nya na friend ko nag comment dun sa post kaya ko nakita. at nag explain talaga ako.)

and i quote " " i'm a victim of endless unfortunate real love" --------- dahil sa mga babaero ang karamihang lalaki ngayon,nadadamay ako,...mag pakatino na nga kayo,.."

madaming nag comment. nasabi nya din na siya lagi ang biktima.

di naman fair yun.

hanggang ngayon kasi i still feel the pain of his betrayals and infidelity.

pero mabuit na rin yun.

i realized kasi na may mga bagay at pagkakataon sa buhay na hindi dapat kalimutan kailanman.

yun lang kasi ang paraan para yung mga lessons learned ay di rin mawala sa isip.

sayang nga naman ng lahat ng luha kung kalilimutan lang yun.

oh well.

karma na yun sakanya.

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

this is me

i love life. i live life as much as i can. i enjoy every little detail life has to offer. i learned a long time ago that dwelling in the past doesn't do me a lot of good. coz although it makes me see things in perspective, it hinders me from really moving on and starting a better future. i live to love. and when i love, i love with all my soul. kinda chummy but true. i am me. i hate to conform to norms just to please others. i do not live my life to make others happy. i do not pretend at all. what you see is what you get. love me or hate me.