alam kong ikaw yun. kasi alam ko ang reaksyon ng puso ko kapag ikaw ang kausap.
oo, aminado ako dun. di pa rin yun nagbabago. pero ngayon, iba na. parehong reaksyon, ibang nararamdaman.
sabi ko nga, kahit anino mo kilala ko.
bakit naman kasi kelangan mo pang mag kunwari? kelangan mo ba malaman kung ano magiging reaksyon? were you hoping na makikilala kita and in the process unmask you right there and then?
tapos na ang tanga tanga mode ko para sayo. lumipas na yun.
masaya sana ako kasi kahit papano, naisipan mo mag reach out.
di naman kita sasaktan. wala akong ibang hangad kundi ang maging kaibigan kang muli.
pero pano ba kita mapag kakatiwalaa kung sa una pa lang, lokohan na naman.
lokohan na nga noon, pati ba naman ngayon?
tama na.
sana sa susunod na gusto mo akong makausap, wag ka ng mag kunwari pa.
tapos na naman ang lahat.
tinapos mo na.
tinalikuran ko na rin ang lahat ng nararamdaman ko para sayo.
tama na.
sana bagong simula na lang ng pag kakaibigan.


No comments:
Post a Comment