oo, may mga sugat na kahit alam kong masasaktan ako ay pinipili ko pa ring kinakalikot. hindi dahil sa masokista pero dahil ito ang tanging paraan para maramdaman kong nasasaktan din ako. para makayanan kong balikan ang nakaraan. isang nakaraan na bamagat masalimuot ay totoo.
na minsan, hindi masamang haluan ng kulay ng ilusyon at panaginip ang ikot ng buhay. bakit? upang punan ang kakulangan ng buhay. nang sa gayon, kahit panandalian ay naranasan kong making masaya, umibig, mabigo, at umibig muli.
na sa buhay na 'to, isang malutong na tawa't halakhak ay maari ng maging simula ng isang bagong saliw ng musika.
na sa bandang huli, ang tangi nating magagawa ay ang umibig ng lubos at tanggaping hindi natin hawak ang ating kapalaran.
na hindi lahat ng mahal natin ay mamahalin tayo.
na hindi lahat ng gusto nating makasama habang buhay ay mannanatili sa tabi natin.
na ang tangi nating magagawa ay mag pasalamat...
na minsan sa ating buhay ay may nakilala tayong pinag alayan natin ng totoong pag mamahal.
na kahit ano pa kaikli ang samahang yon, naramdaman natin kung pano magmahal ng lubos...


No comments:
Post a Comment